Tuesday, April 29, 2008

Nakakapagod Mag-OJT

Akala ko dati madali lang. Mahirap pala. Buong araw may trabaho. Iba siya sa pag-aaral. Hindi man ganoon kabigat ang mga trabaho, nakakapagod paring yung buong araw na nakaharap sa computer. Masakit sa teynga yung earphones. Kailangan ko pa naman mag-transcribe ng dalawang oras na interview. Dalawang araw ko iyon nagawa.

Hindi madaling mag-OJT. Hindi pa sanay ang katawan ko sa buong araw na pag-trabaho, kaya siguro ako nagkasakit. Halos isang linggo rin akong absent dahil sa sakit. Ngayon may ubo't sipon pa ako.

Mahirap din ipag-sabay ang OJT at trabaho sa Sanggunian. linggo-linggo ay may meeting tuwing Lunes, 6-9PM. Next week, tatlong gabing magkakasunud-sunod. Sana kayanin ng katawan ko. Hindi pa naman ako sanay sa aircon.

 @  4:44 PM

Post a Comment

<< Home